10 QUESTIONS FOR A JEEPNEY BARKER
Jeepneys are considered as the most popular means of public transportation in the Philippines. This form of transportation is usually manned by two people: the driver and the barker. The barker is responsible for calling out route and destination and ushering the passengers.
Meet JUN-JUN (left), a young jeepney barker.
QUESTION 1: Ilang taon ka na? (How old are you?)
JUN-JUN: Ten. (Ten.)
QUESTION 2: Matagal ka na ba nagtratrabaho bilang barker? (Did you work as a barker for a long time already?)
JUN-JUN: Kakasimula ko pa lang po. Nagsimula ako nung nine years-old po ako. (I just started when I was nine years-old.)
QUESTION 3: Nag-aaral ka ba? (Do you go to school?)
JUN-JUN: Hindi na po. Tumigil na. Nahihirapan po kasi sila nay at tay sa pagpapaaral sa aming magkakapatid. (Not anymore. I already stopped. My parents are having a difficult time sending me and my siblings to school.)
QUESTION 4: Lahat kayong magkakapatid huminto na sa pag-aaral? (You and all of your siblings stopped receiving formal education?)
JUN-JUN: Yung kuya ko na lang po. Siya po ung panganay. (My eldest brother still goes to school. He is the first born.)
QUESTION 5: Anong grade ka tumigil? (At what grade level did you stop?)
JUN-JUN: Grade 5. (Grade 5.)
QUESTION 6: Hindi ka ba nahihirapan kasi ang bata mo pa lang pero nagtratrabaho ka na? (Aren’t you having a difficult time working since you are still young?)
JUN-JUN: Tinitiis po kasi kailangan. (I suffer but I just deal with it since I need to work.)
QUESTION 7: Magkaano naman kinikita mo kapag napupuno mo ang isang jeep? Tapos, nakakailang jeep ka sa bawat araw? (How much do you earn daily? Then, how many jeepneys are you able to fill each day?)
JUN-JUN: Sa isang jeep, inaabot lang sa akin, sampung piso hanggang bente pesos. Depende kasi sa driver. Ung iba masungit. Marami akong napupuno na jeep araw-araw. (For one jeepney, I earn ten to twenty pesos. It depends on the driver. Other jeepney drivers are unkind. I fill many jeepneys averyday.)
QUESTION 8: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon magaral ulit, papasok ka ba? (If you were given the chance to go to school, will you study?)
JUN-JUN: Opo! Gusto ko po mag-aral. (Yes. I want to study.)
QUESTION 9: Ano ang pangarap mo? (What is your ambition?)
JUN-JUN: Ganyan po kuya. Katulad niyo. Mga nagiinterview. Ung parang sa TV. Gusto ko po kasi magsulat. (I want to become an interviewer like the one on TV. I want to write.)
QUESTION 10: Masaya ka ba bilang isang barker? (Are you happy as a jeepney barker?)
JUN-JUN: Opo, basta natutulungan ko lang ang mga magulang ko. (Yes as long as I am able to help my parents.)
SIMTOMAS NG PAGIGING IN LOVE.
Well lahat tayo nakakaranas mainlove. Napakasarap ng feeling, Lalo na kung bago pa lang. Lagi mo syang naiisip, at dahil dyan ito ang nagiging epekto..
** Di makakain ng maayos.
** Nahihirapang makatulog, sanhi ng excited ka nang makita sya ulit, ano kaya ang mangyayari.
** Laging pangalan niya ang bukambibig, naiinis na minsan ang mga kaibigan, dahil paulit ulit na lang syang binabanggit.
** Tinitigyawat ng di pangkaraniwan.
** Kinakabahan pag kaharap siya.
** Gustong gusto mo siya kasama. Kahit walang magawa, or walang mapag usapan, basta makita lang siya.
** Magjoke ng kahit ano kahit corny eh bentang benta sayo.
** Magtext or kahit isang reply lang masaya ka na.
** Laging may smiley yung texts. tapos yung nakatanggap tuwang-tuwa na.
** Nag gGM pero para sa isa lang naman talaga yung message.
** Sinesave mo ang lahat ng text niya, yung inbox mo puro pangalan niya… At gagawan mo pa ng folder!
** Kahit makatext or magchat kayo magdamagan ok lang.
-May tanong ako„„ pag nagtext ba ng “LOVE YOU FRIEND!” ano kaya ibig sabihin nun??
** Gustong gusto mo syang titigan. (pero di niya alam)
** Sobrang concern ka sa kanya. As in OA sa pagka concern.
** Sinusulatan yung crush pero di naman niya ipapararating o ipapabasa yung sulat. At pag nabasa naman, nahihiya na at parang wala nang mukhang ihaharap sa crush niya.
** Kahit naistorbo ka niya at tinanong niya kung naistorbo ka niya… ang isasagot mo… “hindi naman, ok lang!”
** Pangalan niya ang laman ng notebook mo at kung anumang pwedeng masulatan.
** Itinatago ang mga resibo kung saan kayo kumain, at mga tikets na magkasama kayo.
Pano ba nagkakatuluyan ang dalawang taong nagkakainlaban, Ito ang ilan.
** Spark: prang tinamaan ng pana ni kupido, pag inabot ka, walang pinipiling lugar at panahon iyon, natural na lang na dadating. Tulad sa pelikula. Nagkatitigan, dahan dahan naglapit ang mukha, nagkiss! ayun!!! SPARK!!
- Maaaring nagsimula iyon sa pagiging mabuting magkaibigan, pagde-date at nagkakilala ng husto. Sa akin kaya kelan dadating si spark?
** Natutunan mahalin: Nagstart ito dahil nabaitan lang pero di pa talaga mahal, kumbaga awa lang… Hanggang sa nadevelop. “Pag may tiyaga may nilaga”.
** Love at First Sight: Unang kita mo pa lang eh masasabi mo sa sarili mong.. Siya na! Sa kanya ko gustong magkaanak! Di ko pa naexperience malove atfirst sight.. totoo kaya to?
** Panliligaw: abutin man ng year, months, days, o hours, Tradisyon ng Pilipino talaga ang ligawan system.
- Basta makitaan ka ng effort at sincerity sa girl makukuha mo ang loob niya. Plus factor pag ok ka sa magulang. Dapat talaga sila ang unang nililigawan.
- Kahit gustong gusto na ng girl sa guy eh papaligaw pa din sya dahil alam mo naman dito sa pinas, pag mabilis naging kayo, masama na ang tingin ng ibang tao, (mga chismosa) Kaya tuloy minsan pag napagod si guy nakakawala, sayang! Si ate kasi pakipot. At ang masama eh yung tulay pa ang nakakatuluyan minsan.
- Isa sa pinakamasayang araw ay ang araw ng pagsagot ng OO, at yun ang sinecelebrate na monthsary or anniv.
- Sa panahon ngayon ang babae ay nanliligaw na din.
- Hindi lahat ng nanliligaw nasasagot, meron ding nababasted. Kay sakit!
Inaaply ang panliligaw kung ang girl ay:
- Di mo tiyak na gusto ka niya. Or talagang di ka niya gusto. Nagbabakasakali.
- Pa-Girl, feel na feel niya magpaligaw kahit gusto ka na niya hindi niya lang pinapahalata.
- Prinsesa. May sinusunod syang sistema sa sarili. Maraming demand. Old Skool!
At kapag dumating na ang araw na naging kayo. Napakasarap, So sweet.. Pero may adjustments, Everything will change.
- Mababawasan ang dalas ng pagsama mo sa mga kaibigan mo.
- Hindi mo na ganun ka close ang bestfriend mo lalo na kung opposite sex.
- Lahat dapat ipagpaalam mo sa kanya, minsan mas dapat magpaalam sa kanya kesa sa magulang hehe.
- Selos and insecurities ay di maiiwasan.
- May mga pagkakataong maiinis ka sa kanya dahil ayaw ka payagan sa isang lakad na gustong gusto mo sumama.
“Hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal sila.” tama diba.
Ito naman ang mga dahilan ng mga taong nakikipagrelasyon na “HINDI IN LOVE.” (Mga manloloko for short)
** Panakip butas: Madalas ito mangyari kapag ang isa ay ayaw ipakitang nasaktan sa paghihiwalay ng ex. Masama pa ay kung umaasa pang magkabalikan sila at ginagamit lang ang panakip butas para pagselosin si ex. Nakakaawa kasi yung ginamit niya. Hindi inisip ng manggamit ang feelings ng ginamit dahil sa pride. makasarili.
** Masabi lang na may GF/BF: hindi sanay na nababakante, nadadala kasi sa barkada para di napag iiwanan, or baka di pa nila nararanasan mainlove. Or natural playboy/ playgirl talaga sila.
** Nababaitan lang, naaawa o nahihiya. Natuwa lang sa effort pero wala pa rin ang feelings.
** Sikat kasi: Nalaman mong may gusto siya sayo, pero di mo naman mahal, pero sikat ka at naisip mong kaiinggitan ka kapag nasayo siya. Kung sikat ang jowa mo syempre proud ka at makakabahagi ka sa kasikatan niya. Kahit walang spark.
** Mapera yan: May mga tao talagang materialistic, nakukuha ang gusto sa pera, madali masilaw sa yaman. Pero Ok lang yun kung practical ka, “Love Love pa, wala na ngang makain.” *wink!
** Good looking: same as “sikat kasi”. Gusto mo lang sya pero di mo pa love, proud ka lang idisplay sa mall ipakilala sa mga friends at ipakitang ganun kalakas ang apeal mo dahil sa kagandahan o kapogian ng jowa mo. pwede na mukang masarap naman ih„, (oops!)
-Pero alam nila sa sarili nila na hindi sila masaya dahil di nila nararamdaman ang tunay na pag ibig.
** Desire: Pagnanasa lang, kaya kung anu anong kasinungalingan ang sasabihin para lang makuha ang loob dahil may gustong mangyari. Dapat mag-ingat sa kanila dahila ng motto nila ay: “Walang puso-puso, hubad!”
** Its complicated: Parang kayo pero hindi kayo kasi di siya sigurado na mahal ka niya.
At ito naman ang kadalasang dahilan ng pagbe break ng isang relasyon.
** Walang time sa isa’t-isa or lack of Communication
- Pwedeng busy kasi lagi sa career or studies at wala talagang time.
- Nagkasawaan na lang kaya tinatamad nang magpakita or makipag comunicate
** Third Party
- Pag nabobore sa isang relasyon, pumapatol sa iba.
- Pero meron din mahilig lang talaga mangaliwa, madaling matukso, walang disiplina sa sarili.
- Di ka na masaya sa kasintahan mo kaya naghahanap ka ng kalinga ng iba.
** Nasasakal - Mahirap nga naman yun, dapat time to time magreport ka kung ano ang ginagawa mo o nasaan ka. Yung tipong di ka lang agad makatext eh galit na galit na sya.
- Kaya sobrang higpit kasi walang tiwala.
** LDR - as in Long Distance Relationship








